Bugtong
May isang dalagang may buwan sa dibdib,
may tala sa noo na kaakit-akit,
nang aking makita'y natutong humibik,
nabinhi sa puso ang isang pag-ibig.
May isang binatang may luha sa mata,
may tinik sa puso at tigib ng dusa,
ang binatang ito nang iyong makita
nakaramdam ka rin ng rnunting ba1isa
May isang babaing matigas aug puso,
sa ano mang taghoy, hindi kumikibo,
kapag nag-iisa, luha'y tumutulo
may lihim na awa sa namimintuho...
May isang lalaking matibay aug dibdib,
sa bayo ng dusa'y marunong magtiis;
ma-gabi, ma-araw walang iniisip
kundi makarating sa pinto ng langit.
Ito'y isang bugtong na may-kagaanan,
nguni't pusta tayo, di mo matuturan,
ang dalihan ay di sa hindi mo alam
kundi sa ugaling matimpiing tunay.
Nguni't balang araw di mo matitiis
na di ipagtapat ang laman ng dibdib,
ang bugtong ko naman sabay isusulit
na ang kahuluga'y tayo sa pag-ibig.
Reviews
No reviews yet.